Monday, June 20, 2011

Bahay binato ng granada sa Basilan


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 20, 2011) – Isang bahay sa Isabela City sa Basilan province ang pinasabugan ng granada, ngunit masuwerte umanong walang nasawi sa mga nasa loob nito maliban lamang sa dalawang aso.

Agad umanong tumakas ang nasa likod ng atake na naganap kamakalawa ng gabi sa Kilometer 16 sa Barangay Calvario.

Sinabi ng pulisya na maaaring family feud o away sa lupa ang dahilan ng atake. Hindi naman agad mabatid kung may suspek ang pamilya sa mga nasa likod ng pagtatangka sa kanilang buhay.

Nasira naman ang malaking bahagi ng kung saan sumambulat ang granada, ayon pa sa pulisya. (Mindanao Examiner)

No comments: