Sunday, July 10, 2011
Tropa ng Army niratrat ng NPA sa North Cotabato
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Hulyo 10, 2011) – Apat na sundalo ang sugatan matapos silang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Magpet sa North Cotabato province.
Mahigit apat na dosenang rebelde ang umano’y nakasagupa ng militar kamalakawa ng hapon matapos na maglunsad ang mga sundalo ng isang operasyon doon. Dinala sa pagamutan sa Kidapawan City ang mga sugatang sundalo na nakilalang sina Private First Class Arnold Tombado, Samad Tasil, at Private Leo Capacio at Ruffy Eludo.
Hindi naman agad mabatid kung may casualties sa panig ng NPA, ngunit sinabi ng militar na nakupkop ng mga tropa ang isang kampo ng mga rebelde sa Barangay Manobo na kung saan ay nabawi naman doon ang iba’t-ibang gamit ng mga komunista.
Sa inisyal na ulat ng militar ay kinilala naman nito ang lider ng mga rebeldeng nakasagupa ng mga sundalo na si Cornelio Bangkas na siya umanong nasa likod ng maraming atake sa naturang lalawigan.
Ang NPA ay nakikibaka sa mahigit ng limang dekada upang maitatag ang isang sa bansa ang isang estado ng tulad sa Tsina. (Mindanao Examiner)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment