Sunday, October 02, 2011

Mayor na bihag ng NPA, nagsisi sa mga kasalanan

Mayor Henry Dano.


DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 2, 2011) – Humingi na ng tawad sa kanyang mga naging biktima ng human rights violation si Mayor Henry Dano, ng bayan ng Lingig sa Surigao del Sur, na ngayon nay nililitis ng New People’s Army sa Mindanao.

Si Dano ay binihag ng NPA nuong Agosto 6 matapos na lusubin ng rebeldeng grupo ang kanyang bahay sa naturang bayan. Dalawang sundalo na sina Private First Class Allan Saban at Corporal Alrey Desamparado na nagsisilbing bodyguards nito ay binihag rin ng NPA.

Sa inilabas na audio clip ng NPA, sinabi ni Dano na nagsisisi ito sa mga kasalanan sa publiko at mga naging biktima ng karahasan ng kanyang private army. Naunang inakusahan ng NPA si Dano ng seryosong human rights violations, at pagpatay sa isang tribal leader na si Eduardo Toyogon na binaril nuong Oktubre 2010, ayon kay Rubi del Mundo, ang spokesperson ng NPA.

Si Toyogon ay tumututol sa mining operations sa mga ancestral domain sa Lingig.

Ang paghingi ng tawad ni Dano ay ginawa sa diyalektong Bisaya at ito ang kanyang sinabi: “Ako si Henry Dano, Mayor sa lungsod sa Lingig, probinsya sa Surigao del Sur, nangayo og pasaylo ngadto sa rebolusyonaryong kalihukan, partikular sa masa ug Bagong Hukbong Bayan, tungod sa akong mga binuhatan nga nakalapas sa mga balaod sa tawhanong katungod ug internasyunal nga balaod sa gubat,” ani Dano.

(Ako si Henry Danao…humihingi ako ng kapatawaran sa lahat…partikular sa New People’s Army sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan…)

Hindi naman mabatid kung si Dano ba ang gumawa ng statement o ipinabasa lamang ng NPA sa kanya.

“Kini nga akong binuhatan, sa pakig-alayon sa mga armadong tropa sa Armadong Kusog sa Pilipinas nga ubos sa Gobyerno sa Pilipinas niresulta sa akong ginaatubang nga kaso sa Hukumang Bayan sa Demokratikong Gobyerno sa Katawhan nga nakabase sa kabukiran. Nagapanghinaot ako nga madawat ang akong pagpangayo og pasaylo ug mahatagan og kahigayonan nga magtul-id ug magbag-o alang sa kaayohan sa katawhan,” pangwakas ni Dano.

“Itong mga ginawa kong paglabag sa karapatan pantao ay sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines…Humihingi ako ng kapatawaran…)

Sari-saring kaso ang kinakaharap ni Dano sa NPA, ayon pa kay Rudi del Mundo, ang tagapagsalita ng NPA.

“Mayor Dano is facing the charge of serious violations of human rights and International Humanitarian Law in connection with the building and maintenance of a private armed group that operates in pursuit of mining interests and in conjunction with the larger armed counterrevolutionary program of the Philippine government,” ani Del Mundo.

Hindi naman sinabi ng NPA kung may pag-asang lumaya si Dano.

Bukod kina Danao ay bihag rin ng NPA sina jail officers - Police Inspectors Murphy Todyog at Eric Llamasares; Special Jail Officer 2 Rogelio Begontes at Jail Officer 1 Rolando Bajuyo Jr. na dinukot nuong Hulyo 21 matapos na harangin ang kanilang sasakyan sa Bukidnon province at iligtas ang bihag na rebel leader na si Dennis Rodenas.

Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag nila ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)

No comments: