Tuesday, February 27, 2007

Iniwan Ni Mister, Ginang Nagpatiwakal!

CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / 27 Feb) - DAHIL sa sobrang pagdamdam sa paglisan ng kanyang mister ay winakasan ng isang 29-anyos na ginang ang sarili nitong buhay sa harapan mismo ng limang-taong gulang nilang lalaking anak sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ng Cagayan de Oro police ang biktima na si Cresilda Hanayan na umano'y nagbigti sa isang puno ng langka sa harapan ng kanilang bahay sa Barangay Kauswagan gamit ang isang nylon cord. Dakong alas 5 ng madaling araw kamakalawa ito nagpatiwakal.

Sinabi ng pulisya na umakyat sa puno ang babae at binigti ang sarili habang inosenteng nakatingin ang kanyang anak. Nagulantang na lamang ang bata ng biglang tumalon ang ina at doon na ito humingi ng saklolo sa mga kapit-bahay.

Masama umano ang loob ng biktima nang iwan ito ng sariling mister. Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan kung bakit hiniwalayan ito ng kanyang mister. (Romy Bwaga)

No comments: