MANILA (Mindanao Examiner / 12 Apr) - Dedma lang ang liderato ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan ay kabilang ito sa hindi pinagkakatiwalaan ng mga mamamayan.
Kasabay nito, kinukuwestyon ng militar ang grupong nasa likod ng pagpapa-survey at ang motibo sa pagdadawit kay AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr.
Punto ni AFP Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro, halos lahat ng mga politiko ay tinarget ng survey ngunit kataka-takang nadawit si Esperon.
"Basically ang object ng survey are the political, I mean the candidates, we are just wondering at pumasok dun yung, pumasok dun si Chief of Staff," ani Bacarro sa pahayagang Mindanao Examiner.
"But nonetheless despite the surveys, the Chief of Staff of the AFP is not in anyway affected by this survey because these are just surveys. He remains to be focused on performing yung kanyang task which is to lead the AFP in accomplishing yung mandate namin," dagdag nito.
Ayaw ring iugnay ni Bacarro ang resulta ng survey sa kontrobersyal na Hello Garci scandal kung saan ay nadawit ang pangalan ni Esperon at ang pagkakakaladkad sa militar sa umano'y May 2004 election fraud.
Naniniwala pa ang PIO Chief na walang sapat na batayan ang nasabing survey na kauna-unahan lamang na nagdawit sa AFP Chief.
"The chief of staff has enjoyed the trust and confidence of the soldiers. Never has the AFP being this strong, we are all aware of the number of efforts to destroy the image of the militar and they have continued to fail," ani Bacarro. (Juley Reyes)
1 comment:
Who cares about the survey. Most important is your vote. I have seen surveys in many countries that favors the other candidate many times. After the election, the less favorite candidate wins by a huge margin.
Post a Comment