QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 03 Apr) – Isinailalim na ng Philippine National Police sa heightened alert ang puwersa nito sa buong bansa dahil sa paggunita sa Semana Santa.
Ito'y upang makasiguro ang kapulisan na magiging alertado ang mga awtoridad para mapanatili ang matahimik at ligtas na paggunita ng mga Kristiyano ngayong panahon ng Semana Santa.
Labas naman ang mga Muslim provcinces sa orden.Kasabay nito, nagtalaga si PNP Chief Director General Oscar Calderon ng mga miyembro ng Command Group at Directorial Staff na tututok sa implementasyon ng pambansang pulisya sa kanilang security at public safety plan.
"Our job is to make sure that the people will be safe and secure while enjoying the Lenten holiday," ani Calderon sa pahayagang Mindanao Examiner.
Partikular na pinatututukan sa PNP ay ang seguridad ng mga paliparan, daungan, terminal, pangunahing lansangan at mga tradisyunal na destinasyon ng mga bakasyunista at turista.
Ipinauubaya na rin ni Calderon sa mga regional director nito ang pagtataas pa ng alerto sa kanilang nasasakupan, depende sa sitwasyon. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment