QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 03 May) - Hindi nagpatinag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga pag-angal hinggil sa muling pagkilos ng militar upang magbantay sa halalan sa Mayo 14.
Katwiran ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr., hindi naman maaaring balewalain ang matitinding sitwasyon sa ilang mga lalawigang nangangailangan ng ayudang puwersa nito para tiyakin ang mapayapang eleksyon tulad ng Abra, Nueva Ecija at Masbate.
Itinakdang malimitahan na ang papel ng militar sa panahon ng eleksyon sa ilalim ng umiiral na memorandum of agreement sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec) at Department of National Defense (DND).
Ngunit, lumilitaw ngayon na mapapakilos muli ang AFP sa pagbabantay sa eleksyon bunga na rin ng paglala ng election related violence.
Kasabay nito, hinamon pa ni Esperon ang oposisyon at mga maka-kaliwang grupo na linisin ang pag-iisip dahil hindi maikokompromiso ng mga pagdududang may gagawing pandaraya ang militar sa pagtupad nito ng tungkulin.
"What's wrong about being tapped to assist the police in Nueva Ecija when we know that there are some things that have cropped up there? Do you want just to lay off because of the suspicions of the primarily of the leftist groups and the opposition that we would do something about the elections?" ani Esperon.
"We are the first to say that we do not want anything to do with the elections but now we are being tapped. This is a national resource that can do something good," dagdag ng heneral.
Samantala, wala naman umanong dapat patunayan pa si Esperon makaraang makaladkad sa kontrobersyal na "Hello Garci" na naghayag ng kinalaman ng militar sa dayaan noong nakalipas na 2004 elections.
"I have been cleared and my conscience is clear, if I was mentioned in a tape then what really have they proven and I'm saying I did not do anything there," ayon pa kay Esperon. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment