MAYNILA, Pilipinas - Tinalupan kahapon ni Makati City Mayor Jejomar Binay ang tatlong diskarteng ilalarga diumano ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para malusutan ang krisis na nilikha ng Lozada exposé sa kontrobersyal na National Broadband Network (NBN) project.
Ngunit agad din namang nagpahayag ng kumpiyansa si Binay, pa¬ngulo ng United Opposition (Uno), na hindi magtatagumpay ang mga desperadong hakbang na ito para maisalba ni Arroyo ang sarili mula sa tulu¬yang pagbagsak.
Ang tatlong ‘opsyon’ umano ng pamahala¬ang Arroyo ay: ‘palace coup’ o isang constitutio¬nal coup d’etat na pakana rin o ‘scripted/directed by Malacañang’ kung saan ang iuupong kapalit ni Arroyo ay si Vice President Noli De Castro; Charter change (ChaCha) o pagretoke sa Saligang Batas na walang ibang layunin kundi ang mapalawig ang termino ng mga nakaupo; at deklarasyon ng Martial Law.
Alinman sa tatlo ay imposible umanong paya¬gan ng taumbayan dahil rin¬ding-rindi na sa garapalang katiwalian sa gob¬yerno ang taumbayan.“The people are fed up with lies, corruption and violation of human rights under the regime of Mrs. Arroyo. But in these three options, we will only have more of the same. We still have Mrs. Arroyo and her husband calling the shots,” anang alkalde.
Kung ipipilit umano ng pamahalaang Arroyo alin¬man sa tatlong ‘barahang’ ito para malusutan ang implikasyon ng Jun Lozada exposé o kaya ay para mailihis kahit paano ang atensyon ng taumba¬yan palayo rito, ibinabala ni Binay na kakaharapin ng administrasyon ang ngit¬¬ngit ng sambaya¬nan sa anyo ng malalaking kilos-protesta sa mga susunod na araw na maaaring humantong sa ‘political unrest’. (Tina Mendoza)
No comments:
Post a Comment