Friday, May 09, 2008

Extortion, Sinisilip Sa Motibo Ng Pagsabog Sa Cotabato

COTABATO CITY (Mindanao Examiner / May 09, 2008) – Patuloy ang imbestigasyon ng militar sa pagsabog na naganap sa Midsayap, isang bayan sa lalawigan ng North Cotabato.

Limang katao lamang ang sugatan sa pagabog, taliwas sa unang ulat ng militar na dalawa ang patay sa pambobomba sa isang commuter van sa terminal mismo ng nasabing bayan.

“Patuloy pa ang aming pagsisiyasat at hindi pa rin tapos. Hindi naming masabing kung sino talaga ang nasa likod nito,” ani Lt. Col. Julieto Ando, spokesman ng 6th Infantry Division, sa panayam ng Mindanao Examiner.

Hinila ng militar na may kinalamang ang extortion ng mga sindikato ang nasa likod ng atake. Wala pang umaako sa pambobomba, ayon kay Ando.

Ipinaliwanag rin nito na nagkaroon ng kaguluhan sa ibat-ibang mga ulat ukol sa casualties sa pagsabog kung kayat nagkamali ang militar sa pagsabing may nasawi sa atake. (Mark Navales)

No comments: