Thursday, June 05, 2008

7 "Grains Retailers" Sinampahan Ng Kaso Dahil Sa Panloloko

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / June 5, 2008) – Sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong katao na umano'y nagpanggap na grains retailers upang makabili ng government rice sa murang halaga upang ibenta naman sa mas mataas na presyo sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte.

Sinabi ng NBI sa Mindanao Examiner na nagpakilalang retailers ng National Food Authority (NFA) ang pito para makabili ng murang bigas.

Kinasuhang naman ng estafa through falsification of public documents ang mga inakusahan na sina Ludevina Awa, Rowena Moreno, Eusebio Quiagao, Stephen Piollo, Edgar Arnejo, Mirrim Sumaya at Wilfredo Miole, ayon pa sa NBI.

Malaki ang paniniwala ng NBI na may kasabwat ang mga akusado sa NFA kung kaya't nakabili ang mga ito ng sako-sakong bigas. Nagbabala namana ang NBI sa mga tiwaling empleyado ng NFA at sa mga nagpapanggap na grains retailters na itigil ang kanilang illegal na Gawain.

Ang pagsasampa ng kaso ng NBI ay kaugnay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaang kontra rice hoarders. Bumibenta ang maraming mga mercado ng bigas hanggang sa P50 bawat kilo o mahigit pa dahil sa kakulangan ng NFA rice sa bansa. (Romy Bwaga)

No comments: