ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 26, 2008) – Pinalaya diumano ng Abu Sayyaf ang isa sa limang dinukot na empleyado ng Basilan Electric Cooperative Inc., habang patuloy kahapon ang pagtugis ng mga sundalo at parak sa nasabing grupo.
Ayon sa ulat ng militar ay nabawi ng mga sundalo si Ronnie Tansiung matapos itong matagpuan sa bayan ng Tuburan nuong gabi ng Huwebes matapos itong dukutin dakong alas 11 ng umaga sa Barangay Sinulatan.
Walang ibinigay na detalye ang militar sa Basilan at Zamboanga o press release ukol sa pagkakalaya ni Tansiung. Ngunit sa ulat ng ipinasa sa Abante ay sinasabing natibo ng Basilan si Tansiung at kabilang sa tribu ng Yakan, isa sa maraming grupo ng mga Muslim sa Mindanao.
Kinilala naman ng pulisya ang mga nalalabing biktima na sina Alberto Singson at kapatid nitong si Emilberto; at ang mag-utol na Paul at Birin Herowig.
Sinabi ni Alfredo Oyao, ang manager ng Basilan Electric Cooperative, na kabilang sa mga dinukot ay isang foreman at apat na electric meter readers. Wala pa umanong natatanggap na balita si Oyao ukol sa mga bihag.
Sinisi naman ng mga awtoridad sa Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front ang nasabing pagdukot at nakilala na ang ilan sa mga lider ng armadong grupo na sina Nurhasan Jamiri at Furuji Indama.
Hindi pa malinaw ang motibo sa pagdujkot ngunit matindi ang hinalang ransom ang dahilan nito. Nuong nakaraang linggo lamang ay pinalaya ng isa Abu Sayyaf faction sa Sulu province si kidnapped ABS-CBN television Ces Drilon at cameraman nitong sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama, gayun rin si Mindanao State University Prof. Octavio Dinampo kapalit ng malaking halaga ng ransom.
Mistulang binastos naman ng Abu Sayyaf si Philippine military chief Alexander Yano dahil dinukot nito ang 5 kasabay ng pahayag ng heneral na wala ng puwersa ang teroristang grupo at binansangan pa nitong bandido ang dating kinakatakutan sa Mindanao.
"We still look at them as a loose organization with some splinter groups, in fact, some of them may be conducting their own operations, and now, has degenerated into a money-making group devoid of any ideology or cause," ani Yano sa isang media forum sa Makati City. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment