Saturday, June 07, 2008

Lalaki, Inutas Sa Loob Ng Ospital Sa Cotabato!

SOUTH COTABATO, Philippines (Mindanao Examiner / June 7, 2008) – Patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa loob ng pagamutan sa bayan ng Surallah nitong lalawigan na kung saan ay ginagamot ito dahil sa mga saksak sa kanyang katawan.

Sinabi ng pulisya na isinugod sa pagamutan kamakalawa ang biktimang si Jamito Padayos dahil sa tama ng mga saksak sa katawan, ngunit hindi pa man nagtatagal sa emergency room ay isang lalaki na armado ng baril ang lumusob at pinagbabaril ang sugatan.

Nabatid na galing sa isang rambulan sa videoke bar sa naturang bayan ang biktima ng ito’y masaksak. Isa umanong hostess ang naging ugat ng gulo. Hindi naman agad nakilala ang suspek, ngunit ilang mga saksi umano sa pagamutan ang nagbigay ng pahayag sa pulisya ukol sa naganap. (Romy Bwaga)

No comments: