ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 4, 2008) – Sinampahan ng kasong kriminal ng Philippine Navy sa Zamboanga City ang 15 arestadong tauhan ng Maritime Industry Authorities (MARINA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos silang akusahan ng pangingikil at pagdadala ng armas sa karagatan.
Sinabi mismo ni Rear Admiral Emilio Marayag Jr., Naval Forces Western Mindanao chief, na ang 15 ay nadakip matapos silang ireklamo ng diumano'y pangingikil ng ibat-ibang mga operator ng fishing boats sa karagatan ng Sulu.
Nakuspikahan rin diumano ng militar ng ibat-ibangnuri ng armas ang mga tauhan ng MARINA-ARMM. Ngunit ang matindi ay sa Tawi-Tawi pala naka-destino ang grupo, ngunit sinakop na rin ang Sulu upang mangikil, ayon pa sa militar.
Ngunit itinanggi naman ng MARINA-ARMM ang lahat ng akusasyon ni Marayag at sinabing lehitimo ang operasyon ng nadakip na grupo. Pinangatawanan naman ni Donny Villar, hepe ng MARINA-ARMM, na hindi sangkot sa illegal na Gawain ang mga tauhan.
Kasalukuyang nakapiit sa Zamboanga City ang 15 nadakip at ayaw magbigay ng pahayag sa media ukol sa bintang. Matagal na umanong inirereklamo ng mga fishing boat operators ang mga armadong grupo na nangingil sa kanila sa kagaratan ng Tawi-Tawi at Sulu.
May mga ulat rin umanong nagsasabing may mga nadakip ang ilang armadong grupo na mga Chinese at Indonesian poachers sa Tawi-Tawi ngunit napapalaya rin kapalit ang malaking suhol. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment