Tuesday, June 03, 2008

Rice Hoarder Sa Mindanao, Parurusahan!

DIGOS CITY (Mindanao Examiner / June 3, 2008) - Dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng bigas sa Mindanao ay magsasagawa umano ng malawakang imbestigasyon ang Department of Agriculture upang mabatid ang dahilan nito at patawan ng kaparusahan ang mga tiwaling negosyanteng.

Umaabot na sa mahigit P50 ang halaga ng bigas bawat kilo sa mga palengke sa ilang lugar dito at sa iba pang bahagi ng southern Mindanao. Ito’y sa kabila ng sapat na bigas sa Mindanao.

Sinisipat ng mga awtoridad ang umabno’y mga rice hoarders na sityang itinuturong nasa likod ng biglang pagtaas ng presyo ng bigas.

Sinabi sa Mindanao Examiner ni Roger Chio, ang regional director ng DA, na maraming mga nagrereklamong mamamayan dahil itinatago diumano ng ilang may-ari ng palabigasan ang kanilang suplay partikular na sa siyudad ng Davao at Digos.

“Aalamin ng DA ang katotohanan sa balitang rice hoarding at mananagot talaga ang sino mang mapatunayang may sala rito," ani pa ni Chio.

Para masigurong may suplay ng bigas ang residente ng rehiyon magpapakalat ng maraming outlet ng National Food Authority para may mabilhan ng murang bigas ng taong bayan.

"Sana naman bababa na ang presyo ng bigas para hindi na masyadong mahirapan ang taong bayan," pahayag pa ni Chio. (Romy Bwaga)

No comments: