DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Setyembre 19, 2009) – Pinaiigting ng Union of Catholic Asian News o UCAN ang operasyon nito sa bansa upang lalong pagtibayin ang mga balitang may kinalaman sa Katolismo.
Ang Pilipinas ay ang natatanging Katolikong bansa sa Asya at ito ang pinagtutuunan ng UCAN upang maipabatid ang magagandang pangyayari na may kinalaman sa mga komunidad hindi lamang sa mga Kristiyano kundi maging ibang relihiyon.
Pinangunahan ni Norma Jean Viehland ng UCAN-Manila ang pagtitipon sa Davao City na dinaluhan ng mga beteranong mamamahayag, peace advocates, at pari.
Ang UCAN ang pangunahing source ng mga ibat-ibang bansa sa mga balitang may kinalaman sa mga Katoliko.
Bukod sa UCAN ay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ay naglalabas ng mga balitang ukol sa Simbahan at mga mahahalagang isyu. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment