COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Setyembre 19, 2009) - Nagmatigas ang Moro Islamic Liberation Front kahapon na hindi nito isusuko ang mga lider na isinabit ng militar at pulisya sa madugong atake sa Mindanao nuong nakaraang taon.
Unang hiningi ng pamahalaang Arroyo sa MILF na isuko sina Abdurahman Macapaar, Ameril Kato and Sulayman Pangalian na siyang itinuturong nasa likod ng paglusob sa Lanat at Sarangani, gayun rin sa North Cotabato at Maguindanao nuong nakaraang taon.
Maraming nasawi sa naturang atake at sinunog pa ng mga rebelde ang ilang kabahayan sa mga lalawigan.
Mismong si MILF chieftain Murad Ebrahim ang nagsabing hindi nito isusuko ang mga lider dahil iimbestigahan pa ang mga ito ng shariah court.
Ito rin ang unang sinabi sa Abante ni Mohagher Iqbal, chief MILF peace negotiator, at Eid Kabalu, spokesman ng nasabing grupo. Itinanggi na noon ng mga lider ang kanilang pagkakasangkot sa atake na naganap matapos na mabasura ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain nuong Agosto. (Mindanao Examiner)
Saturday, September 19, 2009
MILF nagmatigas, hindi isusuko ang mga lider na sabig sa atake sa Mindanao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment