Ang larawan ng grupong Suara at Gabriela sa rally ng mga ibat-ibang organisasyon sa Cotabato City bilang pagkondena sa gang rape ng isang nurse sa Maguindanao province. |
Ayon sa pulisya ay 4 na iba pa ang pinaghahanap kaugnay sa panggagahasa na naganap nuong Setyembre 25 sa isang nurse, 21 taong-gulang na volunteer naman ng pamahalaang lokal.
Nabatid na karamihan sa mga suspek ay mayayaman at pulos Kristiyano, ngunit hindi naman inilabas ng pulisya ang identipikasyon ng mga suspek.
Ang biktima ay natagpuan walang saplot at may sugat sa katawan at hinihinalang iniwan sa akalang patay na ito di-kalayuan sa pagamutan ng South Upi. Gang rape umano ang naganap sa biktima.
Mariing kinondena rin ng grupong Gabriela ang panggagahasa. “Nananawagan kami sa mga awtoridad at lokal na pamahalaan ng South Upi na maglunsad ng isang masinsing imbestigasyon at gawaran ng kaukulang parusa ang mga perpetrators na gumawa nito kay Florence,” ani Jaquelane Billiones, tagapagsalita ng Gabriela sa Cotabato City.
Kamakalawa ay isang malaking indignation rally naman ang isinagawa ng mga ibat-ibang grupo bilang pakikiisa sa pagkondena sa panggagahasa.
Ayon kay Billiones ay nakapagtala ang Gabriela noong 2009 ng 9,585 na kaso ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan at kabataan at sa pagtatantya nito ay mayroong nagagahasa na dalawang kababaihan bawat araw sa nakalipas na taon.
Nalulungkot naman ang Gabriela sa sinapit ng biktima dahil wala umanong malinaw na seguridad at proteksyong tinatanggap ang mga health workers lalo na nag mga kababaihan laban sa iba’t-ibang porma ng pang-aabuso lalo na sa mga rural area. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment