ZAMBOANGA CITY - (Mindanao Examiner / Sept. 30, 2010) – Nagbabala sa publiko ang Radio Mindanao Network matapos na mabisto na may nagpanggap at gumagamit sa identipikasyon ng program director nito sa popular na social networking site na Facebook.
Sinabi ng RMN na may nagpapanggap na Gil Climaco sa Facebook at doon ay kung anu-anong mga malalaswang larawan ang inilagagay uopang hiyain diumano ang program director nitong si Gilbert Climaco.
Nagagamit rin umano ang Facebook account ng impostor upang manghingi ng salapi at mag-recruit ng trabaho mula sa mga nabibiktima.
Dahil dito ay dumulog sa National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group sa Zamboanga City si Gilbert Climaco upang maghain ng reklamo at hanapin ang impostor.
“Aatake ito sa aking personal na katauhan at kailangan matigil na ito sa lalong madaling panahon upang wala ng mabiktima ang impostor,” ani Climaco.
Nagulat pa umano si Climaco ng malaman nay Facebook account ito dahil ni hindi umano nito alam kung paano ang takbo ng mga social networking sites.
Nagbabala rin ito sa ibang mga reporter na mag-ingat sa kanilang mga social networking account dahil posibleng maging biktima rin sila ng “identity theft.”
Sinabi ni NBI na iniimbestigahan nito ngayon ang kaso at itinutring itong isang “cyber crime.” (Mindanao Examiner)
Thursday, September 30, 2010
RMN director, biktima ng Facebook raket
Labels:
Facebook,
Gilbert Climaco,
RMN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment