Sunday, November 06, 2011

Surigao, Agusan inuga ng lindol


DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Nov. 6, 2011) – Niyanig ng lindol ang bayan ng Lianga sa lalawigan ng Surigao del Sur, ngunit hindi naman umano ito kalakasan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naitala nito ang lindol dakong alas 6 ng gabi ng Sabado at nasa 3.7 magnitude sa Richter scale ang lakas nito.

Wala rin inulat na nasira sa mga lumang gusali o kabahayan sa naturang lugar, subali’t sa tuwing nagkakaroon ng pagyanig ay takot naman ang bumabalot sa mga residente.

May lindol rin bayan ng Buenavista sa kalapit na kalapit na lalawigan ng Agusan del Norte at hinihinalang ugat ito ng fault line sa Lianga na kung saan natunton ang sentro ng pagyanig.

Tectonic ang kalimitan sanhi ng mga pagyanig sa Mindanao.

Ang Pilipinas ay sinasabing nasa Pacific Ring of Fire na kung saan ay napapaligiran ang bansa ng mga underwater volcanoes. Ito rin ang dahilan sa maraming mga paglindol dahil sa walang tigil na paggalaw ng mga bato sa ilalim nito. (Mindanao Examiner)

No comments: