NEGROS (Mindanao Examiner / 05 Jun) – Isang pedicab driver ang binigyan ng parangal ng pamahalaang ng Dumaguete dahil sa magandang ugali at katapatan nito.
Si Fernando Lastimosa ay pinarangalan matapos na kumalat ang pagbabalik nito ng mga ibat-ibang bagay na naiwan ng kanyang mga pasahero sa bisikletang ipinapasada.
Nabigyan pa ito ng P5,000 bilang pabuya ng pamahalaan sa magandang asal na dapat umanong maging halimbawa hindi lamang ng ibang pedicab driver, kundi maging ng bawat Pilipino.
Nahiya pa si Lastimosa sa natanggap na papuri at sinabing nakalakihan na nito ang magandang asal na ipinamalas ng kanyang mga magulang kahit na lumaki sa hirap.
Halos maiyak naman ang mga kaibigan at kapamilya ni Lastimosa sa hindi inaasang parangal ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Agustin Perdices. (Mindanao Examiner)
Showing posts with label Dumaguete City. Show all posts
Showing posts with label Dumaguete City. Show all posts
Tuesday, June 05, 2007
Thursday, December 21, 2006
Prostitusyon Sa Dumaguete, Talamak Na!
DUMAGUETE CITY (Mindanao Examiner / 21 Dec) – Naalarma na umano ang maraming mga civic groups at NGOs sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga prostitute sa Dumaguete City.
Lubos na kahirapan at problema sa pamilya ang mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga babae ang naliligaw ng landas.
Ngunit mas matinding problema rin ang dala nito sa lokal na pamahalaan – ang pagkalat ng mga sakit tulad ng AIDS at HIV at pagkalulong sa droga at alak ng mga prostitute – ang ikinakatakot ng marami.
Tinatayang aabot sa mahigit 350 mga prostitute ang ngayon ay naglipana sa ibat-ibang lugar sa Dumaguete, na minsang naging tanyag dahil sa kumalat na sex video na tinuguriang Dumaguete Scandal.
Maging mga estudyante ay napipilitan na rin na magbenta ng kanilang laman upang maituloy ang kanilang pagaaral. Ang masakit nito ay sa halagang P300-P500 ay maari ng makakuha ng babae sa lansangan ng magulong lungsod ng Dumaguete. (Mindanao Examiner)

Labels:
Dumaguete City,
HIV-AIDS,
Tagalog News
Subscribe to:
Posts (Atom)