MAKATI CITY - The Babae para sa Kaunlaran (BABAE KA) women's party-list would like to express our gratitude to those who supported, campaigned and voted for the organization, as well as to those who in one way or another sympathized with us during the most trying times of the campaign.
We could say that it is a campaign filled with unexpected challenges. From the start we knew that it would be difficult for us to gather the number of votes needed for a partylist to achieve its electoral objective especially given our meager resources compared to other groups. But still we persist.
We dared to campaign in the hope that it will be a principled one -- a campaign based on programs and platforms and not on the number of posters, streamers and media advertisements. However, we find out that it is more than that. During the party-list campaign, mudslinging and black propaganda prevailed perpetrated by those party-list groups in power.
We never expected those leftist organizations to result to dirty tricks, lies, deceit and harassment but they did. The results of the party-list election and the ongoing drama wherein various organizations have been accused of vote padding are proofs that all the so-called charges against BABAE KA are fabricated by those with malicious and self-serving motives.
BABAE KA has been vindicated.
On the other hand, our issues against these organizations are true and would be proven, if the COMELEC will not give in to pressures from these leftists. To date, BABAE KA officers are still being harassed thru text messages.
But as what we have stated, BABAE KA will never be cowed by the bullying tactics of these leftist organizations.
The experience in 2007 party-list election will serve as a valuable lesson for BABAE KA. We shall come back stronger, better and much more prepared in 2010.
Again, thanks to all.
Mabuhay ang Kababaihan!
Mabuhay ang Sambayanan at Pamilyang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!
Showing posts with label Party List. Show all posts
Showing posts with label Party List. Show all posts
Saturday, June 02, 2007
Tuesday, May 01, 2007
Sundalo, Bawal Mangampanya!
MANILA (Mindanao Examiner / 01 May) – Mahigpit ang babala ngayon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga miyembro ng organisasyon hinggil sa pangangampanya para kay retired Army Major General Jovito Palparan na kumakandidatong kongresista sa ilalim ng Bantay party list group.
Sa harap ito ng paglaganap ng mga text message sa mga sundalo hinggil sa pagsuporta sa kandidatura ng dating heneral.
Binigyang-diin ni AFP Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro na ang lantarang pagsuporta at pangangampanya sa sinumang kandidato ay paglabag sa direktiba ni Chief of Staff General Hermogenes Esperon na pagdistansya sa partisan political activities at may kaukulang parusa.
"Soldiers cannot publicly campaign for or against any candidate. That will be construed as participating in partisan politics. They can be investigated and of course, commensurate punishment will be given," ani Bacarro sa pahayagang Mindanao Examiner.
Sa isang text message na kumakalat sa mga kampo ng militar ay ito ang nakasaad: "Sugpuin ang komunismo sa Pilipinas! Iboto ang Bantay party list para ipaglaban ang ating kapayapaan at demokrasya."
Bago ang pagreretiro ni Palparan, umani ito ng matinding pag-alma buhat sa mga makakaliwang grupo dahil sa umano'y mga paglabag sa karapatang pantao at pagpaslang sa ilang militante.
Samantala, sinigurado naman ng militar na hindi makaka-apekto ang role nito sa kasalukyang operasyon kontra rebelde at mga teroristang grupo.
Katwiran ni Bacarro, nadagdagan lamang ang responsibilidad ng mga sundalong kikilos sa halalan ngunit mismong sa mga lalawigan na pinagsisilbihan nito rin magmumula ang puwersa.
Wala aniyang magiging problema dahil hindi naman magbabago ang bilang ng mga sundalong kikilos sa isang lalawigan. Ngunit, depende naman sa bigat ng sitwasyon kung kukuha ng ayudang puwersa ang militar mula sa kalapit na tropa ng mga sundalo.
"It will just be additional tasking but it wont in any way mean na mabababa or malolower yung pagtutok sa ating internal security operations campaign," ani Bacarro.
Gayunman, naninindigan ang opisyal na ang anumang hakbang ng AFP para sa deputization sa halalan ay mahalagang may basbas ng Commision on Elections (Comelec).
Samantala, nilinaw ni Bacarro na depende sa tindi ng kaguluhan sa isang lugar ang laki ng checkpoints na ilalatag nito. "In areas that there are indicators na may kaguluhan, as preemptive measure, we can establish a bigger number of checkpoints," dagdag ng AFP Chief. (Juley Reyes)

Labels:
AFP,
Jovito Palparan,
Party List,
Tagalog News
Wednesday, March 28, 2007
CHILD WARRIORS NG NPA, LUMANTAD
QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 28 Mar) – Desperado ngayon ang New People's Army (NPA) na makahikayat ng mga bagong miyembro, kahit menor de edad, upang magsilbing warrior ng kanilang kilusan.
Inihayag ito ng Philippine Army kasunod ng paglalantad sa mga child warrior sa isang pulong balitaan upang patunayan ang maliwanag na paglabag at pag-abuso ng komunistang grupo sa karapatan ng mga kabataan.
Pinakabatang nahihikayat ng NPA ay 10 hanggang 17 taon kung saan ay matindi pa ang pulso ng mga ito para sumabak sa giyera.Ibinunyag rin ng isang dating amasona na si Leah kung paano siya pinuwersa at ginamit ng husto bilang asawa ng mga komunistang lider.
Hindi lamang umano siya ang biktima ng pananakot ng mga komunista na kung hindi susunod sa mga rebelde ay sasaktan ang pamilya nito.
Nagsilbi ring liason si Leah na ibinuko ang regular na pakikipag-ugnayan sa legal fronts ng NPA tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis, Gabriela, Anakbayan at Makabayan.
Sa rekord ng militar, nagawa nitong masagip, maaresto at mailigtas ang tinatayang 30 mga menor de edad buhat sa Luzon at Visayas mula Setyembre ng nakaraang taon hanggang Marso.
Inilahad naman ng isang Eslao ang matinding kaba na nararamdaman nito sa tuwing sumasabak sa giyera laban sa tropa ng pamahalaan.Ngunit kahit takot, walang pagpipilian ang mga katulad ni Eslao dahil sila rin naman ay sasaktan ng kanilang lider.
Sinabi rin ng militar na mahigit sa tatlumpung mga pampasabog at iba pang war materials ang narekober ng mga tropa sa inilunsad na operasyon sa Quezon.
Sa ulat ng Philippine Army ay natisod ng mga elemento ng 201st Infantry Brigade, 76th Infantry Battalion at Explosives and Ordnance Disposal Team ang naturang mga eksplosibo sa Barangay San Isidro Kanluran sa bayan ng Gumaca sa nasabing lalawigan.
Nauna rito, nasamsam rin ng mga tauhan ng militar ang dalawang M16 rifles, magazine at daan-daang bala ng M16 sa Ilayang Bolo, Unisan, Quezon. Bunsod ito ng impormasyon ng dating lider ng NPA na si Modesto Araza alyas Abel.Samantala, dalawang gerilya naman ang sumuko sa militar sa Kalinga.
Natukoy ang mga ito na sina Bryan Linang alyas Mayo, 21 anyos, at Aga-oy Marnag alyas Dennis, 19 anyos. Pawang mga miyembro ng Komiteng Lrangan Guerilya (KLG) Baggas, ICRC.Isinasailalim na sa interogasyon ang dalawang rebelde. (Juley Reyes)

Militant Groups,
NPA,
Party List,
Tagalog News
Friday, March 23, 2007
AFP May Bagong Ebidensya Na Naman Sa Mga Kaliwang Party List Groups!
MANILA (Mindanao Examiner / 23 Mar) - Muli na namang nakadiskubre ang militar ng mga sinasabing panibagong ebidensya na magpapatunay ng malinaw na ugnayan ng New People's Army (NPA) sa ilang party list groups sa bansa.
Sa nakuhang bag mula sa rebeldeng si Allan Villare na napatay sa engkuwentro sa bayan ng Juban sa Sorsogon noong Marso 20 ay nakapaloob diumano ang mga dokumento ng campaign plan para sa partylist groups na Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, Anakpawis at Suara Bangsamoro.
"We have strong evidence that the NPA and these party list groups are connected," diin ni Lieutenant Colonel Benigno Antonio, pinuno ng Army's 2nd Infantry Battalion.
Magugunitang natisod naman ng militar sa Davao del Sur noong nakaraang buwan anng mga campaign posters at calendars ng Bayan Muna matapos ang sagupaan.
Ayon sa buod ng dokumento, ang campaign plan ay binubuo ng tatlong bahagi: una, isinakatuparan ng Pebrero 13 hanggang Marso 13 ang house to house campaign, paglalagay ng mga campaign posters, pagbuo ng alyansa sa mga lokal na opisyal ng gobyerno, pagtukoy ng mga poll watcher, at pagtatayo ng municipal headquarters.
Kasama rito ang pagtukoy ng mga kandidato at tagasuporta ng party list groups na kaalyado ng Malakanyang tulad ng Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD), Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), Akbayan, Sanlakas, Partido ng Manggagawa (PM), Akap, at Aksa.
Ikalawa, mula Marso 14 hanggang Abril 14, ang deployment ng propaganda teams sa mga dyip at tricycles, paglulunsad ng party congress municipalities at pagpapadala ng mga delegado para sa provincial conventions ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, Anakpawis at Suara Bangsamoro.
Ikatlo, mula Abril 14 hanggang May 14, magpapadala ang rebeldeng grupo ng mga delegado para sa miting de avance na sasabayan rin ng mga protesta.
Ang mobile propaganda teams ng NPA ay bubuo ng caravan na maglilibot sa Sorsogon sa isang araw at sa mismong halalan ay agad na iuulat ang resulta ng eleksyon.
TInatayang 15,000 boto buhat sa Bulan, 7,000 sa Gubat at 3,000 sa Prieto Diaz ang minimum votes na makukuha ng mga partylist. Hindi naman agad makunan ng pahayag o reaksyon ang mga nabanggit na party lists. (Juley Reyes)
Labels:
AFP,
Anakpawis,
Bayan Muna,
Gabriela,
Kabataan Party list,
Party List,
Suara Bangsamoro,
Tagalog News
Monday, March 19, 2007
Bayan Muna, Nangunguna Sa Suvey; AFP Hindi Natinag!
MANILA (Mindanao Examiner / 19 Mar) – Ayaw tanggapin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabiguan sa kanilang pangangampanya laban sa mga party list groups na may kaugnayan sa komunistang grupo ang pangunguna ng Bayan Muna sa survey.
Katwiran ni AFP National Capital Region Command Chief Major General Mohammad Dolorfino, unang-una ay hindi nakikialam ang militar sa pulitika kaakibat ng muling pagpapasinungaling na ikinakampanya nito ang pagboykot sa ilang partylist groups.
May sariling desisyon pa rin naman aniya ang mga mamayan na masasalamin sa resulta ng halalan sa Mayo.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia Inc., lumilitaw na maaaring makuha ng Bayan Muna ang tatlong upuan sa Kongreso dahil sa pananatili bilang nangungunang party list.
Ikinagalak naman ito ng Bayan Muna at ibang mga kaalyadong party list groups dahil patunay umano ito ng kanilang tapat na panunungkulan sa bayan.
Sapat na umano ang voting preference ng Bayan Muna na 11.9% upang makakuha ng tatlong nominasyon sa Kamara.
Tinatayang 1,800 respondents sa buong bansa ang kinuhaan ng survey mula Pebrero 28 hanggang Marso 5 ng kasalukuyang taon.
Bukod sa Bayan Muna, tatlong partylist seats rin ang posibleng makuha ng Anakpawis (8.0 percent) Akbayan Citizen's Action Party (7.0 percent), at Gabriela Women's Party (6.4 percent).Tig-isang seat naman sa Aangat Tayo (3.6 percent), Angat Antas Kabuhayan Pilipino Movement (2.8 percent), Angat Ating Kabuhayan (2.7 percent), Alyansa ng Sambayanan para sa Pagbabago (2.4 percent), Kabataan (2.3 percent), Ahon Pinoy (2.2 percent) at Citizen's Battle Against Corruption (2.2 percent). (Juley Reyes)
Labels:
Bayan Muna,
Party List,
Survey,
Tagalog News
Monday, March 12, 2007
Metro Soldiers, Abswelto Sa Akusasasyon Ng Party Lists!
MANILA (Mindanao Examiner / 12 Mar) – Inabswelto ngayon ng Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command (AFP-NCR Command) ang sariling mga tauhan nito sa alegasyon ng mga militanteng partylist group hinggil sa pangangampanya ng mga sundalo sa Kalakhang Maynila.
Isinumite na ni NCR Command Chief Major General Mohammad Dolorfino kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos ang resulta ng panloob na imbestigasyon nito kaugnay sa pagkakasangkot umano ng ilang sundalo sa pangangampanya para huwag iboto ang mga party list group na iniuugnay sa Communist party of the Philippines.
Katwiran ni Dolorfino, walang indikasyon na nadadawit sa electioneering ang mga sundalo batay na rin sa pahayag ng mga testigo.
"We did not see any indication, based on the words of these witnesses, that there was electioneering," ani Dolorfino sa Mindanao Examiner.
Pinangunahan ni NCR Command staff judge advocate, Lieutenant Colonel Feliciano Loy, ang isang linggo pag-iimbestiga at pagtatanong sa may 100 residente sa ilang slum areas sa Metro.
Samantala, naniniwala si Dolorfino na maaari pang maging daan ang kanilang community program upang masakote ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at Rajah Solaiman Movement na nagtatago sa Metro Manila.
Malaking bagay rin aniya ang visibility ng mga sundalo sa Kalakhang Maynila upang magdalawang-isip ang mga terorista na maglunsad ng pananabotahe.
Itinanggi naman ng heneral na may deployment ito sa Muslim communities sa harap ng kanilang kampanya laban sa insureksyon at terorismo. (Juley Reyes)
Labels:
Maj.Gen. Mohammad Dolorfino,
Metro,
Party List,
Tagalog News
Sunday, February 18, 2007
Photo: Suara Bangsamoro Party List

FOR JUSTICE. The Suara Bangsamoro Party List during a political rally in Mindanao. (Mindanao Examiner Photo/Mark Navales)
Labels:
Mindanao photo,
Party List,
Suara Bangsamoro
Subscribe to:
Posts (Atom)