Showing posts with label Showbiz. Show all posts
Showing posts with label Showbiz. Show all posts

Friday, June 29, 2007

OPINION



QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 28 Jun) – “Wendy Labas…Wendy Labas…” Ito ang mga nakabibinging sigaw ngayong gabi ng mga tao sa muling pagkakasalba – sa ikatlong beses – ng malditang si Wendy.

Napalabas si Bodie sa eviction night sa bahay ni Kuya, ngunit lungkot at galit, inis at pagka-irita ang aura ng maraming mga nagaabang sa paglabas ni Wendy.

Matibay ang maldita at halos mangisay ng marinig kay Tony Gonzaga, ang host ng Pinoy Big Brother show ang kanyang pangalan na mapapasama sa Big 4. Hindi kasi mapaniwala ang bakiltang si Wendy na nasalba na naman ito.

Maging ang mga showbiz reporter ay hindi rin makapaniwala na ligtas na naman si Wendy – mukhang may sa pagka-aswang ang lukaret dahil nasalba na naman.

Bago napalabas si Bodie ay halos hindi makatingin sa one way mirror si Wendy at palaging naka-yuko dahil ang feeling siguro ni “Bella Flores“ ay siya ang masisibak.

Hay naku…malakas talaga ang dasal ni Wendy kaya’t ayun at naligtas na naman si Bella!
Katulad ng sigaw nila kanina...Wendy Labas...Wendy Labas!
(Showbiz Chismis ni Broohang Jokla)

Tuesday, June 26, 2007

OPINION

WENDY NG PINOY BIG BROTHER, NASALBA NA NAMAN! Ni Broohang Jokla

MANILA (Mindanao Examiner / 26 Jun) – Lalong nadismaya ang mga nag-abang ngayon sa eviction night sa loob ng Pinoy Big Brother house matapos na, sa panagalawang pagkakataon, ay nasalbang muli si Wendy.

Halos gigil na gigil ang mga tao sa galit ng bangitin ni Tony Gonzaga, ang host ng PBB show, ang pangalan ni Wendy. Maririnig ang mga sigawan at boo at ang mga iba naman ay may mga dalang kamatis na ibabato sana kay Wendy sa kanyang paglabas, ayon pa sa isang fan naman ni Gee-Ann.

“Maldita at sakim” naman ang bansag ng mga galit kay Wendy dahil sa masamang ugali nito sa loob ng bahay ni Kuya.

Inaway kasi ni Wendy sina Gee-Ann at Beatriz dahil sa gahamang hangarin na manalo sa PBB at makuha ang malaking premyo, kabilang na ang isang bagong bahay.

Humagulgul naman sa iyak ng husto si Wendy ng marinig kay Tony Gonzaga na ang nobyong si Bruce ang siyang napalabas ng bahay. At feeling naman ni Bruce na siya ang iniitakan ni Wendy, ngunit sa maraming nakapanoob ng PBB ay iisa ang nasa isipan – ang pagiyak ni Wendy ay sa kadahilanang hindi nito akalain na masasalba pa sa pangalawang pagkakataon.

Sumobra naman ang pagka-over acting ni Bruce dahil hindi pa man nababangit ni Tony Gonzaga kugn sino ang lalalabas ay nauna na itong umiyak kay Wendy.

Maging ang talent manager na si Alfie Lorenzo, sa kanyang naunang kolum sa Abante, ay pulos negatibo ang isinulat ukol kay Wendy at patunay lamang ito na maraming galit sa patpatin.


Ang forecast ng marami ay posibleng sina Mickey at Beatriz ang isa sa mananalo sa big night. (Showbiz Chizmis ng Broohang Jokla)

Tuesday, June 12, 2007

Ruffa Gutierrez, Nahaharap Sa Malaking Problema!

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 12 Jun) – Posibleng malagay sa malaking panganib si actress-model Ruffa Gutterrez dahil sa pag-amin diumano nito na siya’y kasal sa isang Fil-Am sa Amerika bago nagpatali sa milyonaryong Turk na si Yilmas Bektaz.

Malaking kasalanan umano sa Islam ang pagpapakasal ni Ruffa -- Sharmaine Gutierrez sa tunay na buhay – kay Yilmaz bagamat naghiwalay na sila ng Fil-Am na si Richard Daloia.

Sa Las Vegas, U.S.A. ikinasal sina Ruffa at Richard noong 1999 at naghiwalay matapos ang isang taon. At nagpakasal naman si Ruffa kay Yikmas nuong 2003.

Bwal ito sa Islam at itinuturing na malaking kasalanan at kamatayan ang parusa -- posibleng pugutan ng ulo si Ruffa kung mapapatunayang nagkasala sa batas na naayon sa Islam -- ayon naman kay Ustadz Shariff Julabbi, isang Islamic scholar at maimpluwensyang Muslim sa Mindanao.

“Naku, malaking kasalanan iyan. At kung totoo ang lahat ng balita ukol sa dalawang kasalang naganap ay buhay ang kapalit niyan dahil bawal sa Islam na magpakasal ang isang babae ng dalawang beses unless na siya ay diboryada,” ani Ustadz Julabbi sa pahayagang Mindanao Examiner.

Maituturing diumanong bigamy ang naganap ng pakasalan ni Ruffa si Yilmas dahil legal pa umano ang kasal nito sa Fil-Am. Ayon sa ibang balita ay nitong taon lamang naihain diumano ni Ruffa ang divorce sa dating asawa sa U.S.A.

“Kung Muslim country ang Pilipinas na tulad ng Saudi Arabia, Iran o Iraq, o kaya ay Afghanistan ay siguradong pugot-ulo ang bagsak ni Ruffa,” wika ni Ustadz Julabbi, na graduate ng tanyag ng tanyag na Al-Adzhar Universirty sa Egypt.

Sinabi pa ni Ustadz Julabbi na bukod sa pugot-ulo sa mga babaeng nagkasala sa kanilang asawa ay puwede rin itong patawan ng parusang “public stoning” na kung saan ay igagapos ang babae at sa gitna ng malaking lugar ay doon ito babatuhin ng publiko hanggang sa mamatay.

Idinagdag pa ni Ustadz Julabbi, na dating spokesman ni Moro Islamic Liberation Front rebel chieftain Ustadz Salamat Hashim, na ang batas ng Islam ay pantay-pantay sa lahat ng Muslim mahging artista pa man o milyonaryo, lalaki man o babae.

“Ang batas ng Islam ay walang kinikilingan at lahat ng Muslim ay pantay-pantay sa mata ni Allah. Kung ang isa ay nagkasala ay dapat itong pagbayaran,” paliwanag pa nito. (Mindanao Examiner Showbiz Tsimis)

Monday, May 07, 2007

Probinsyanong Aktor, Nag-Dirty Finger Sign Sa Camera!

GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / 07 May) – Mistulang siga at akala mo kung sinong umasta si John Estrada matapos nitong itaas ang kamay at saka minostra ang “dirty finger” sign sa isang television crew sa paliparan ng General Sanyos City kanina.

Halos lamunin ng tingin ng dating aktor ang camera ng makitang siya’y kinukunan matapos na umano’y makuwestiyon ng mga parak dahil sa diumano’y pagtanggi nito na magpa-inspkesyon.

Kanina ay ipinalabas ng GMA television ang naging eksena sa paliparan at maraming nadismaya dito sa naging asal ng bruskong si Estrada, na natibo ng Basilan province.

“Bakit kailangan pa ninyo akong inspeksyunin, eh wala naman akong dalang bomba,” ani pa ng isang opisyal na diumano’y sinambit ni Estrada.

Pinayagan rin ng mga awtoridad na makabalik si Estrada sa Maynila matapos na ito’y makausap “It’s not a big deal,” ani pa ng dating probinsyano.

Kilala diumanong mayabang si Estrada at napabalitang nasupinde na rin sa kanyang television noontime show noon dahil sa mga birong may kabastusan.

Hiwalay rin ito sa asawang si Janice de Belen na kung saan ay may mga anak ito. (Mindanao Examiner)