Monday, March 19, 2007

Oplan Bantay Laya 2, Tagumpay!

MANILA (Mindanao Examiner / 19 Mar) – Malaki na rin umano ang naging kabawasan sa mga miyembro ng New People's Army at Abu Sayyaf Group sa dalawang buwang implementasyon ng ikalawang bugso ng Oplan Bantay Laya.

Nabatid kay AFP Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro, na tinatayang 119 na rebelde ang napatay habang 50 naman sa mga terorista mula Enero hanggang Pebrero.

Noong Enero 1 lamang nagsimula ang Oplan Bantay Laya 2 kung saan ay umaabot sa 7,160 ang puwersa ng NPA at 400 naman sa ASG.

Target ng AFP na matapyasan ang mga miyembro ng komunistang grupo sa 1,000 kada taon. "Our target is three years from now, we will reduce the [NPA] strength from 7,000 to 3,500," ani Bacarro.

Lumiit naman sa 400 ang ASG mula sa 800 noong 2001. (Juley Reyes)

No comments: