Wednesday, March 07, 2007

Patayan Sa Digos City Talamak Na

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 07 Mar) – Sabog ang ulo ng isang habal-habal driver matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Digos City sa Davao del Sur sa Mindanao.

Sinabi ng pulisya na mabilis tumakas ang suspek matapos ng pamamaril kay Jonathan Masaya, residente ng Barangay Tres de Mayo, nuong Martes ng madaling araw.

Hindi naman mabatid ang motibo ng pagpatay sa 28-anyos na biktima.

Tinangay rin ng suspek ang motorsiklo ni Masaya. Hindi naman mabatid kung nakaw ang motibo nito o tinangay ang motorsiklo upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Sinisipat naman ng mga kaibigan ng bitkima kung may kinalaman ang mga vigilantes. Talamak kasi ang extrajudicial killing sa lalawigan na ibinibintang sa Underground Death Squad na diumano’y may koneksyon sa mga awtoridad.

Ilang ulit na rin itinanggi ng pulisya ang nasabing grupo. Marami na umanong napatay sa Digos at ibang bahagi ng lalawigan at karamihan sa mga biktima ay sa ulo at dibdib binibira. (Romy Bwaga)

No comments: