Thursday, March 01, 2007

Sakur Tan, Pambato Ng KAMPI Sa Sulu!

“Ours is a government that will address the poverty situation through sustainable economic and livelihood programs and a peace agenda that will be beneficial to all. Peace and progress and reforms go side by side with development and we will pursue these programs with the support of all sectors. People want change and we promise better governance which is transparent and honest. Sulu will again be progressive and peaceful." - Former Governor of Sulu province, Abdusakur Tan. (Mindanao Examiner Photo)
JOLO (Mindanao Examiner / 01 Mar) – Pormal ng nai-proklama ng partido ni Pangulong Gloria Arroyo si dating governor Abdusakur Tan bilang nagiisang gubernatorial bet ng KAMPI sa lalawigan ng Sulu.

Pinuri ng maraming Muslim at ibat-ibang grupo at mga lokal na pulitiko ang pagkakahalal kay Tan bilang opisyal na kandidato ng pamahalaan sa lalawigan.

Isa si Tan sa mga maipluwensya at respetadong Muslim hindi lamang sa Sulu, kundi maging sa Mindanao. Walang bahid ng korupsyon ang track record nito sa Sulu.

Maging ang mga ka-alyado ni Pangulong Arroyo ay puri-puri sa pagkakapili kay Tan at kung magwawagi umano ito sa eleksyon ay tiyak na mapapaunlad nito at maibabalik ang katahimikan sa Sulu, na ngayon ay magulo dahil sa mataas na krimen at labanan sa pagitan ng militar at mga masasamang-loob.

Kilalang reliyoso at pilantropo si Tan at marami ng natulungang mahihirap hindi lamang sa Sulu, kundi maging sa ibang bahagi ng Mindan. Nagsilbi rin si Tan bilang Congressman ng Sulu at ilang ulit na naging gobernador sa lalawigan.

Napapabalitang walang katunggali si Tan sa pagka-gobernador sa Sulu at maging ang hanay ng Moro National Liberation Front at religious sector ay nag-uumapaw ang suporta sa negosyante.

Katuwang diumano ni Tan si Sulu Vice Governor Lady Ann Sahidula. Todo-bigay naman ng suporta si Tongkil Mayor Wahid Sahidula sa dalawa. Gayun rin si Kalingalang Caluang Mayor Liezl Halum.

Maging si Sulu Rep. Hussin Amin at dating governor Yusop Jikiri ay buo ang suporta kay Tan.
Natuwa ng husto ang mga maliit na negosyante sa Sulu dahil kung magwawagi umano si Tan ay tiyak na manunumbalik ang sigla ng kalakal sa lalawigan na ngayon ay lugmok sa kahirpan at naghihingalong ekonomiya.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Tan kay Pangulong Arroyo at sa partido nitong KAMPI o Kabalikat ng Malayang Pilipino dahil sa kanyang opisyal na pagkakahalal.

Nangako naman si Tan na ipupursige ang magandang plataporma ng pamahalaang Arroyo sa mga Muslim at programa upang malabanan ang kahirapan sa Sulu.

“Ang aking pamahalaan ay magiging masigasig sa pagpapatupad ng reporma upang muling maging maunlad ang Sulu. Bibigyan natin ng atensyon ang kahirapan at ang ekonomiya, gayun rin ang kapayapaan na minimithi ng bawat isa sa atin.”

“Ours is a government that will address the poverty situation through sustainable economic and livelihood programs and a peace agenda that will be beneficial to all.”

“Peace and progress and reforms go side by side with development and we will pursue these programs with the support of all sectors. People want change and we promise better governance which is transparent and honest. Sulu will again be progressive and peaceful,” ani Tan sa Mindanao Examiner.

Isang video clip rin ni Tan na kung saan ay inilatag nito ang kanyang plataporma ang mapapanood sa website ng Mindanao Examiner newspaper sa mga sumusunod na URL: mindanaoexaminer.com at mindanaoexaminer.net at sa mirror site nitong zamboangajournal.com at zamboangajournal.net.

Pinuri rin ni Tan ang mga sundalong Amerikano na ngayon ay abala sa ibat-ibang humanitarian mission sa Sulu. Malaking tulong umano ang ibinibigay ng Amerika sa mga Muslim sa Sulu dahil milyon-milyong dolyares ang ginugugol nito sa mga impraistruktura sa lalawigan.

“The US humanitarian mission is a big help to the province of Sulu and we will continue to support these benevolent undertakings,” ani Tan sa Mindanao Examiner.

Bukod kay Tan ay hinirang rin sa partidong KAMPI ang mga kaalyado nitong sina Mayor Anton Burahan, ng bayan ng Pata; dating ARMM Regional Legislative Assembly speaker, Alvares Isnaji; Mayor Tambrin Tulawie, ng bayan ng Talipao; Mayor Munib Estino, ng bayan ng Panglima Estino; at Yusop Jikiri.

Marami pa umanong mga mayors at vice mayors, barangay officials ang nasa panig ni Tan na nangakong tutulong sa pagpapaunlad ng Sulu.

Si KAMPI provincial chairman Rep. Hussin Amin, na ngayon ay nasa ikatlo at huling termino na, ay tatakbo naman bilang mayor ng Jolo at si Jikiri ay kandidato naman para sa kinatawan sa Kongreso.

Sa ngayon ay itinuturing na pinakamalakas ang grupo nina Tan, Amin at Jikiri sa lalawigan ng Sulu. (Mindanao Examiner)

No comments: