Friday, August 12, 2011

Dagdag pondo sa pabahay inaasahan sa 2012


Mindanao Examiner Photo

MANILA,Philippines (Mindanao Examiner / Aug. 12, 2011) – Malaki na umano ang pondo ng pamahalaang Aquino sa programang pabahay at mahigit sa P1 bilyon ang nadagdag sa proposal nito sa 2012 National Budget.

Kinumpirma naman ito ni Congressman Arnel Ty at sinabing P7 bilyon ang pondo na hinihingi ng pamahalaan at mas mataas kung ihahambing sa P5.7 bilyon ngayon taon.

Miyembro si Ty ng House Committee on Housing and Urban Development at sinabi nito na maraming mahihirap na pamilya ang matutulungan ng nasabing pondo na nakapaloob sa proposed General Appropriations Act sa halagang P1.816 trilyon.

“The incremental public funding for housing gives more meaning to the mandate of the Constitution for the State to provide disadvantaged families decent and affordable shelter,” ani Ty.

Ang National Housing Authority ang siyang mangangasiwa sa programang may kinalaman sa pabahay. “The NHA will also be spending to resettle families displaced by critical new public infrastructure projects, and to provide tenure to families living in government-owned lands proclaimed as socialized housing sites,” wika nito.

Maging ang National Home Mortgage Finance Corp. ay inaasahang gagastos ng hanggang P500 milyon para sa Community Mortgage Program (CMP) nito sa susunod na taon. Target ng ahensya ang 25,000 benepisyaryo para sa CMP. (Mindanao Examiner)

No comments: