Saturday, October 01, 2011

Korean executive tinira sa Pinas


MANILA (Mindanao Examiner / Oct. 1, 2011) – Patay ang isang South Korean executive at sugatan naman ang driver nito matapos silang ratratin ng mga di-kilalang armado sa San Juan City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na si Yung Har, 59; at ang driver nitong si Mark Anthony Casayuran.

Nabatid na ipaparada na sana ni Casayuran ang minamanehong Ford Expedition sa harapan lamang ng isang coffee shop sa Connecticut Street na dumating ang dalawang armado sakay ng motorsiklo at tinira ang dalawa ng malapitan. Naganap ang krimen nitong Setyembre 29.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay at kung may kinalaman sa negosyo, relasyon o iba pa ang krimen. Inaalam rin ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga Korean crime syndicate sa naganap.

Hindi rin sinabi ng pulisya kung nakuha ba sa mga security cameras sa kapaligiran ng crime scene ang naturang pamamaril. Wala pang lumulutang na witness sa naturang atake.

Maraming mga Korean nationals na rin ang napapatay sa Pinas sa mga nakalipas na taon at ilan sa mga ito ay konektado sa mga Korean gangs. (J. Magtanggol)

No comments: