BACOLOD (Mindanao Examiner / 03 Apr) – Kinukuwesyon ngayon ng mga militanteng party list groups ang biglang paghingi ng halos P13-milyong budget ng lokal na pulisya para sa umano’y implementasyon ng programa para sa siguridad nitong lungsod.
Sinabi mismo ni Felipe Gelle, ang pinuno ng Bayan, ang na may gumagalaw na sa City Council upang maipasa ang isang resolusyon ukol sa kahilingan ng pulisya.
Posible umanong magamit ang salapi sa halalan at sa pagsupil ng karapatan ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang damdamin ukol sa pamahalaang Arroyo.
Gagamitin umano ang budget sa implementasyon ng internal security operations na kahintulad sa deployment ng mga sundalo sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Mindanao.
Ang ISO ay bahagi naman ng anti-terrorism and anti-criminality programs ng pulisya.
Gagamitin naman umano ng pulisya ang salapi sa pagsasanay ng mga parak at barangay tanods at sa pagpapatupad ng katahimikan sa Bacolod.
Matindi ang impluwensya ng New People’s Army sa Bacolod at sa lalawigan ng Negros. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment