CEBU (Mindanao Examiner / 03 Apr) – Tuliro ngayon ang pulisya matapos na mapatay ang isang traffic enforcer sa lungsod ng Mandaue.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Romeo Muñez, 38, kamakalawa sa Barangay Looc. Binira ito ng isang lalaking sakay ng motorsiklo.
Nabawi rin ng mga pulisya ang mga basyong bala ng .45-caliber pistol. Hindi naman mabatid kung sino ang nasa likod ng atake, subali’t talamak ang extra-judicial killings sa Cebu na ibinibintang naman ng mga kaanak ng maraming biktima sa mga awtoridad.
Hindi rin mabatid kung may koneksyon bas a trabaho ang pagpatay. Ang biktima ay miyembro ng Cebu City Traffic Operations Management.
Nanawagan naman ang pulisya sa sinuman nakasaksi sa naganap na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maresolba agad ang krimen. Hindi nagbigay ng pahayag ang pamilyang Muñez. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment