ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / 07 Apr) – Patuloy ang malaking pag-unlad ng Zamboanga Sibugay at kapuna-puna ang dami ng mga negosyo at katahimikan sa lalawigan na ngayon ay sentro ng kalakal sa Zamboanga Peninsula.
Malaki na rin ang nai-ambag ng turismo sa Zamboanga Sibugay at ilang ulit na rin nailabas sa ibat-ibang national at international televisions ang magagandang lugar at tanawin sa lalawigan. Mayaman ang Zamboanga Sibugay sa mga beach resorts, dive spots, hot springs, mga kuweba na paborito ng mga back-packers at mountain trekkers. Paborito ng mga turista ang seafood sa Zamboanga Sibugay.
Mismong ang anak ni Zamboanga Sibugay Gov. George Hoffer na si Dr. Dulce Ann Hoffer, ang nangunguna sa promosyon ng turismo at negosyo sa lalawigan. Katulad ng kanyang ama, kilalang masipag si Hoffer.
"Wala kang maipipintas sa mga Hoffer at dahil sa kanila ay naging maunlad at tahimik ang aming lugar. Makikita mo naman ang malaking pagbabago sa Zamboanga Sibugay. Booming ang aming probinsya at kami ay masaya sa aming mga lider," ani Danilo dela Cruz, isang negosyante ng goma sa Ipil.
Nahahati sa 16 na bayan ang Zamboanga Sibugay at ang Ipil ang siyang sentro ng Zamboanga Sibugay na tinatayang may populasyong halos 500,000. Diverse ang kultura ng lalawigan at kilala dahil sa kabaitan ng mga residente.
Isa rin ang Zamboanga Sibugay sa mga pangunahing supplier ng mais, goma, kape, bigas at marami pang iba.
Maging ang Department of Tourism ay todo rin ang promosyon sa Zamboanga Sibugay at sa programa nitong WOW Philippines ay ito ang nakasaad ukol sa lalawigan.
"Owing to its natural land form, the province of Zamboanga Sibugay is blessed with an impressive range of excellent tourist destinations – interesting mountain formations, picture-perfect waterfalls, caves in which dwell thousands of bats as well as stalactites, hot springs, white sand beaches, and fish and sea snake sanctuaries."
"Tantanan Bay is the largest fish sanctuary found in the province, encompassing an area of five hectares. Sibuguey Bay bounds the southern peripheries. Endowed with several coral formations that function naturally as fish sanctuaries, it is ideal for snorkeling and diving.
Another notable fish sanctuary, situated within the municipality of Talusan, is Takushari. Within the island of Pulo Laum is a sanctuary for the propagation of sea snakes."Mayaman rin sa mga isla ang Zamboanga Sibugay, ayon pa sa Department of Tourism.
"Zamboanga Sibugay is endowed with several islets that are ideal for beach resort development. Notable are Pandilusan Island in the municipality of Payao and Litayon Island in the municipality of Alicia. One characteristic that they have in common is their white sand beaches. In addition to these islets, there are also white sand atolls in both municipalities that are submerged during high tides."
"Leading the province's inland tourist attractions are the large caves found in the municipalities of Tungawan and Talusan as well as the Moalboal Cave in the municipality of Titay. Among the majestic waterfalls are Tagbilat, Dalisay, Tugop Muslim, Cobacob, Go-otoc, Malagandis, Basay, and Palina Falls in Ipil." (Ely Dumaboc)
2 comments:
Hay salamat naman. Buti naman umu-unlad na ang Zamboanga. It is about time.
goooo sibugay. thank you to our father of zamb. sibugay, Gov. Hofer.
without you, dli n mahimo na zamb. sibugay,utang namo imo n. I was 13 yrs old that time, you are the rep.
alam ko kng ano pagbabago,
I hope people n zamb. sibugay dli cla masilaw sa money, palapit na ang election.
plz.. I beg you, this tym. ato cla suportaha, weh!
naa sa to mga kamot.. ang paglambo sa atong lugar.
kng karapatdapat atong ibutng sa posisyon.
mis you zamb. sibugay.
see you soon!
Post a Comment