ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 8, 2008) – Niratrat umano ng mga armadong pirata ang isang cargo ship sa karagatan di-kalayuan sa Mindanao habang patungo ito sa Australia mula sa General Santos City.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard ay ligtas na nakabalik sa General Santos City ang barko, subalit may mga tama naman ito ng bala. Hindi naman mabatid kung isang Philippine registry ang nasabing barko at kung ano ang karga nito patungong Australia.
Masuwerte umano at hindi naisakatuparan ng mga pirata ang kanilang balak na akyatin ang barko.
Hindi rin malinaw kung anong grupo ang nasa likod ng pag-atake o kung mga miyembro ito ng Abu Sayyaf o kaya’y mga dayuhan.
Talamak ang piracy sa karagatan sa pagitan ng Sulu, Malaysia at Indonesia. At sa laki ng karagatan ay hindi sapat ang kakayahan ng Philippine Navy na garantiyan ang siguridad ng mga barko at mangingisda sa lugar. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment