SULU (Mindanao Examiner / June 8, 2008) – Isang malaking summit ng mga kabataan ang isasagawa sa lalawigan ng Sulu bago magtapos ang buwan at ngayon pa lamang ay todo na ang paghahanda para sa matagumpay na katuparan nito.
Mahigit sa libo ang inaasahang daragsa sa 1st Sulu Youth Summit at layunin nito na isakatuparan ang programang pangkabataan, ayon kay Gov. Salur Tan.
“The youth is our future and it is our responsibility today to make sure that they will become more responsible to help us in nation bulding,” ani Tan.
Kamakailan lamang ay pinapunta ni Tan ang maraming mgha high school students sa Bohol province bilang bahagi ng programang Lakbay-Aral.
Nuong nakaraang buwann naman ay mga elementary pupils at guro naman mula sa ibat-ibang paaralan sa Sulu ang dinala nito mismo sa isang educational tour sa Zamboanga City na kung saan ay nakipagkita ang mga ito kay Mayor Celso Lobregat at mga historical sites at museum doon. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment