Showing posts with label DND. Show all posts
Showing posts with label DND. Show all posts

Wednesday, July 25, 2007

Pinas, Di Natinag Sa Pagtapyas Ng U.S. Military Aid

MANILA (Mindanao Examiner / 25 Jul) – Hindi natinag ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ulat na tatapyasan ng Estados Unidos ang tulong-pinansyal nito sa Pilipinas.

Ayon sa proposal ng US State Department, partikular na mabawasan ay ang Foreign Military Financing to the Philippines ng Amerika na mula $30 milyon ay naging $11 milyon na lamang.

Ipinahayag kanina ni acting Defense Secretary at National Security Adviser Norberto Gonzales ang kumpyansang sasapat na ang sariling pondo ng gobyerno upang tugunan ang capability upgrade program ng militar.

"Whatever happens, we will proceed with the upgrade program of the Armed Forces. There's no money coming from international [sources], we will use our own because it is something that we need to do," ayon kay Gonzales.

Bagamat nakapanghihinayang aniya ang mabawasan ng financial aid subalit walang magagawa ang pamahalaan dito. "Sayang lang kung mababawasan tayo ng pera, but that's about it," ani Gonzales.

Kasabay nito'y umalma ang kalihim sa pag-uugnay ng pagbabawas ng US assistance sa pagkakadawit ng AFP sa extrajudicial killings at mga pagdukot.

"I don't know why this is linked to human rights… Let's not treat this as another propaganda issue. We will see the actual result of the deduction," punto ni Gonzales.

Hindi naman naniniwala si Gonzales na makakaapekto ang natapyasang financial aide sa implementasyon ng Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law.

"We'll see. That's incoming money. We have been doing anti-terrorism activities ever since for several years now, so I don't think so," ayon kay Gonzales. (Juley Reyes)

Monday, July 02, 2007

Amnestiya Sa Mga Rebeldeng Grupo, Pinaboran Ng Defense Department!

MANILA (Mindanao Examiner / 02 Jul) – Pabor ang bagong liderato ng Department of National Defense (DND) sa ipinapanukalang paggawad ng amnestiya sa mga rebelde, kabilang ang mga nag-aklas na miyembro ng militar.
Ayon kay Defense officer-in-charge at National Security Adviser Norberto Gonzales, bahagi ng demokratikong proseso ang pagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde.
Ngunit, mahalaga aniyang mapag-aralan muna ito ng Kongreso at magpatibay ng batas hinggil sa nasabing hakbang.
Idinagdag pa ni Gonzales na kung plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ni House Speaker Jose de Venecia na ipursige ang amnestiya ay kailangang isagawa na ito sa lalong madaling panahon.
"It has to be studied as early as possible," ani Gonzales. Sinabi ng kalihim na nakahanda silang magbigay ng rekomendasyon hinggil sa naturang usapin. (Juley Reyes)

Tuesday, April 03, 2007

DND Masama Ang Loob Sa Release Ni Satur Ocampo

MANILA (Mindanao Examiner / 03 Apr) – Naghihimutok si Department of National Defense (DND) Secretary Hermogenes Ebdane Jr. kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na payagang makapagpyansa kanina si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Gayunman ayon kay Ebdane, kahit masama ang loob, wala silang pagpipilian kundi ang sundin ang direktiba ng Kataas-taasang Hukuman.

"We are living in a democracy, while we are not happy with it. We have to abide by the law. When the Supreme Court grants [Ocampo] bail, then so be it," ani Ebdane.

Ngunit, hindi aniya ito nangangahulugan na hihina ang kampanya ng militar laban sa purging activities ng komunistang grupo.

Naniniwala rin si Ebdane na kung tutuusin, hindi ordinaryong krimen ang ginawa ni Ocampo para lang basta palayain.

"It's not an ordinary murder. It's actually tantamount to genocide and is not actually bailable… There were some defects in the filing, these will becorrected anyway," ayon sa kalihim.

Nababahala lamang si Ebdane na magawang makatakas palabas ng Pilipinas at magtago si Ocampo dahil sa pagpipyansa nito.

Kumpyansa naman si AFP Public Information Office (PIO) Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro na matibay ang mga ebidensya ng militar at may mga testigo rin silang positibong magtuturo sa pagkakasangkot ni Ocampo ang mass murder.

Samantala, bagamat may hinanakit rin ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima ng purging activities, umaasa ang mga ito na mapapanagot ang kongresista.
Lumutang ang may 24 pamilya ng mga biktima ng mass killings at iniaapela sa Korte Suprema ang paglilipat sa Leyte ni Ocampo upang makaharap sila at mapatunayan ang kinalaman nito sa mga krimen.

Buo ang paniniwala ng mga ito at may ebidensya na kabilang si Ocampo sa nag-utos bilang lider ng komunistang samahan sa pagpatay ng kanilang kamag-anak matapos na pagdudahang espiya ng gobyerno.

"Wala talagang magagawa, desisyon ng Korte. Maghihintay na lang kami kapag iniharap na ang taong yun," ayon kay Leonardo Tanaig, dating miyembro ng NPA.
Handa naman sila na humarap sa Supreme Court kung iaatas upang maihayag ang kanilang panig sa usapin. (Juley Reyes)

Tuesday, March 27, 2007

Text Power, Inilunsad Sa Maynila!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 27 Mar) – Inilunsad ng Department of National Defense ang kampanya nito sa pamamagitan ng text messaging service (SMS) upang maipabatid sa ahensya ang mga reklamo at problema ng publiko.

Tulad ng text campaign ng Philippine National Police at iba pang sangay ng pamahalaan, gagamitin ng Defense department ang TXT 2920.

Partikular na tinatarget na makalap ng ahensya sa pagbubukas nito ng komunikasyon sa taumbayan ay ang mga problema sa panloob at panlabas na banta sa seguridad, gayundin ang mga sumbong ng katiwalian sa hanay ng militar.

Naniniwala si Secretary Hermogenes Ebdane, Jr. na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay makakatulong ang mga impormasyon buhat sa mga mamamayan upang mapalakas ang kampanya kontra insureksyon at terorismo.

"It is a direct line for the Human Rights Security Act to be more vibrant and interactive, with an open avenue for reports from all over the country," ani Ebdane.

Gayunman, dadaan pa rin naman aniya sa masusing beripikasyon ang mgamensaheng matatanggap ng kanilang tanggapan. "Yung mga tsismis, we know how to deal with it," wika pa ni Ebdane.

Samantala, sinabi ni Ebdane na hindi na nito kakailangan ang karagdagang pondo para sa operation ng DND text 2920. (Juley Reyes)

Thursday, March 22, 2007

DND Chief, Nagsori Sa Katarayan Sa Media

MANILA (Mindanao Examiner / 22 Mar) – Humingi ngayon ng paumanhin sa harap ng publiko si Department of National Defense (DND) Secretary Hermogenes Esperon, Jr. hinggil sa naunang pambabara sa mga mamamahayag partikular na isang foreign media correspondent.

Maganda ang mood ni Ebdane nang bago ang pagsisimula ng pagtatalumpati sa ika-110 taong animbersaryo ng Philippine Army ay nagsori ito sa reporter na ipinahiya nito sa pagtugon ng katanungan sa unang araw ng kanyang pag-upo sa tungkulin.

"Charmaine, my sincere apology," ani Ebdane.

Naging mainit si Ebdane matapos na sagutin nito ng 'What's your problem?' sa pagtatanong ni Charmaine Deogracias, reporter ng Japanese television network NHK.

"Mas maganda na yung formally mag-apologized, there is nothing wrong, I will lose nothing, kaibigan ko yan e. Kaya nga there is opportunity na-tiyempo ko naman, mabuti na yung public apology," ayon kay Ebdane sa panayam.

Ngunit nagkamali pa rin ng banggit si Ebdane nang akalaing taga-Asahi Shimbun si Deogracias. (Juley Reyes)