ZAMBOANGA, Philippines (Mindanao Examiner / July 11, 2010) – Patuloy ang karahasan sa Zamboanga sa kabila ng dami ng pulis at sundalong nagpapatrulya sa lungsod na binansagang Asia’s Latin City.
Ito’y matapos na iulat ng ABS-CBN na dalawang granada ang sumabog sa Barangay Talon-Talon at Barangay Mampang na kung saan ay isang katao ang nasugatan sa atakeng naganap nitong Sabado lamang.
Hindi naman makapagbigay ng ulat ang pulisya at sinasabing patuloy ang imbestigasyon sa naturang atake. At kung maitatago sa media ang mga patayan at krimen ay pilit itong itatago ng mga opisyal upang palabasin na tahimik ang Zamboanga sa kabila ng maraming insidente ng pamamaril.
At mula nitong Enero ay mahigit na sa 100 ang naging biktima ng pamamaril at Zamboanga City na ang siyang may pinakamataas na istatistiko sa buong Western Mindanao.
Karamihan sa mga patayan ay kagagawan ng mga gun-for-hire, subali’t madalas na idahilan ng mga awtoridad ay family feud o atraso ang dahilan nito.
Mistulang may template naman ang pulisya sa kanilang imbestigasyon – kung magandang lalaki o babae ang napatay ay agad sasabihing “love triangle” ang posibleng dahilan, at kung mayaman naman ang biktima ay tiyak na “business rivalry” naman ang motibo nito; o kung Muslim ang napatay ay tiyak na “rido” o away-pamilya ang sanhi naman nito.
Karamihan sa mga napatay sa Zamboanga ay hindi pa rin nareresolba. Binansagang Asia’s Latin City ang Zamboanga dahil sa diyalekto nitong Chabacano na may halong Espanyol dahil sa impluwensya ng Espanya halos mahigit sa 100 taon na ang nakaraan. (Mindanao Examiner)
Showing posts with label Krimen. Show all posts

Sunday, July 11, 2010
Karahasan sa Zambo, patuloy pa rin!
Labels:
ABS-CBN,
Asia's Latin City,
Krimen,
Zamboanga City
Sunday, March 11, 2007
Siargao Island, Kinakatakutan Na!
CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / 11 Mar) – Nangangamba ngayon ang maraming mga turista sa island resort ng Siargao sa lalawigan ng Surigao del Norte matapos na mapatay doon ang isang Italyano.
Dalawang suspek ang nadakip na ng mga awtoridad, ngunit dalawang iba pa ang kasalukuyang pinaghahanap sa pagpatay kay Paolo Tommaso Scarpa, 55.
Natagpuan nuong nakaraang lingo ng mga residente ang nabubulok na bangkay ni Scarpa sa labas ng kanyang beach house. Pinatay umano ang dayuhan matapos itong looban sa kanyang bahay.
Kalat na kalat ang balita sa lalawigan at ito’y nakadulot na ng matinding takot sa maraming turistang nagtutungo sa Siargao. Paborito ang Siargao ng mga dayuhan dahil sa magandang mga beach resorts at karagatang kinahuhumalingan dahil sa naglalakihang surf nito.
Hindi naman sinabi ng pulisya kung ano ang negosyo ni Scarpa, subalit mahigit sa 2 taon na umano itong nakatira sa Siargao. Napamahal umano sa dayuhan ang Siargao ang mga Pinoy kung kaya’t doon ito nagpasyang manirahan.
Humiling naman ang mga residente sa awtoridad na pangalagaan ang kaligtasan ng mga dayuhan dahil malaking tulong sa lokal na ekonomiya ang turismo. (Mindanao Examiner)

Siargao,
Surigao del Norte,
Tagalog News,
Turismo
Friday, February 23, 2007
Babae Binurdahan Ng Sariling Asawa, Patay!
CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / 23 Peb) – Patay ang isang 26-anyos na misis matapos itong burdahan ng saksak sa katawan ng hiniwalayang mister ng ito’y tumangging bumalik sa kandungan ng lalaking minsang minahal.
Ayon sa pulisya ay naganap ang krimen sa Barangay Agusan sa Cagayan de Oro City kamakailan. Sa tindi ng kanyang tinamong saksak ay hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktimang si Mary Jean Nacua.
Tadtad ng saksak ang buong katawan ng babae na ayon sa pulisya ay kagagawan ng dating asawang si Vicente. Pauwi na noon sa kanyang bahay si Mary Jean ng bigla itong harangin sa daan ni Vicente at nagmakawang bumalik sa kanyang kandungan, ngunit ito’y mariing tinanggihan ni misis.
Nagalit umano si Vicente at bumunot ng patalim at saka inundyan ng saksak ang babae. Mabilis naman itong tumakas ng makitang lugmok na ang babae at halos maligo na sa sariling dugo.
Nabatid sa mga kaanak ng biktima na hiniwalayan ni Mary Jean ang asawa dahil sa matinding pagseselos nito sa lahat ng bagay. Kasalukuyang pinaghahanap pa rin ang suspek, ayon sa pulisya. (Romy Bwaga)

Cagayan de Oro City,
Krimen,
Tagalog News

Subscribe to:
Posts (Atom)