Wednesday, April 04, 2007

Joint RP-Australian Anti-Terror Training, Malabo Pa Rin!

MANILA (Mindanao Examiner / 04 Apr) - Bigo pa ring tuluyang maisara ang kasunduan o ang status of forces agreement (SOFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Australia, maging ng iba pang bansa sa Southeast Asian para sa magkasanib na pagsasanay-militar.
Nabatid ito ngayon kay Defense Secretary Hermogenes Ebdane Jr. na aniya'y pinag-aaralan pa rin hanggang ngayon ang nasabing posibilidad.
Bago bumaba sa puwesto ang dating kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Atty. Avelino Cruz, Jr., inihayag nito ang paglalagda ng SOFA bago matapos ang 2006.
"The agreements are still under review. We still have to come up with the final draft," katwiran ni Ebdane. Problema aniya ang legal na implikasyon ng nasabing kasunduan lalo pa't magkakaiba rin ang pananaw ng ibat-ibang bansa.
"What we see as violations may not be violations to them," dagdag ni Ebdane. Bukod sa Australia, nilalakad rin ang negosasyon ng military agreement sa Brunei, Singapore, Malaysia at Indonesia. (Juley Reyes)

No comments: